𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗦𝗧𝗔, 𝗟𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦 𝟱𝟬𝟬 𝗡𝗔

Pumalo na sa 521 na kaso ng dengue ang naitala ng Municipal Health Office ng Basista mula sa 13 barangay nito.

Sa naturang bilang labing apat ngayon ang tinututukan na aktibong kaso ng dengue. Tatlumpung indibidwal din ang isinailalim sa close monitoring dahil sa sakit.

Sa tala ng Basista MHO, ang Barangay Dumpay ang nanguna sa may pinakamaraming kaso na nasa 101. Sinundan ito ng Brgy. Palma na nakapagtala ng kabuuang 60 kaso, Brgy. Navaratna may 57 kaso at Brgy. Cabeldatan na may 50 kaso.

Nagpapatuloy ang isinasagawang misting at fogging operations sa mga barangay maging ang information campaign sa mga mag-aaral sa bawat paaralan upang maiwasan ang pagsipa ng sakit sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments