Umabot na sa mahigit tatlong libo ang kaso ng Dengue sa Ilocos Region ayon sa Department of Health – Center for Health Development 1.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Medical Officer IV Dr. Rheul Bobis, nasa tatlong libo, apat na raan at siyamnapu’t-anim (3, 496) ang kabuuang bilang ng dengue cases rehiyon ngayong buwan.
Pinakamataas na bilang ng sakit ay sa Pangasinan na may higit isang libo (1, 000), 762 sa La Union, 636 sa Ilocos Sur at 234 sa Ilocos Norte.
Dahil tumaas na ang naitalang bilang ng tinatamaan ng sakit Mas pinalalakas ngayon ng ahensya ang pagtugon sa kaso ng dengue sa pamamagitan ng mga ibinababang pagsasanay sa mga health workers at mga kawani ng hospital.
Samantala, pinapayuhan ang publiko na huwag balewalain ang sintas ng dengue at nagpunta agad sa pinakamalapit na health center o ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨