𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡, 𝗦𝗨𝗠𝗜𝗣𝗔

Sumipa sa 14% na pagtaas ang kaso ng dengue sa Ilocos Region ayon sa Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD1).

Sa huling tala ng DOH-CHD 1, nasa 4,255 na ang kabuuang kaso ng dengue sa rehiyon mas mataas kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon na nasa 3,702.

Sa nasabing bilang ang Pangasinan Nakapagtala ng 2,186 na kaso, ang La Union mayroong 970 na kaso, Ilocos Sur na 791 kaso at Ilocos Norte na nasa 308.

Sa isang panayam sinabi ni DOH-CHD 1 Medical Officer IV, Dr. Rheuel Bobis, nakahanda ang mga ospital sa rehiyon para sa pagtugon ng mga dengue patients.

Nakapagtala na ng 17 nasawi sa sakit sa rehiyon kung saan 15 mula rito ay sa Pangasinan.

Hinihikayat ng ahensya ang publiko na sundin ang 4s upang makaiwas sa sakit. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments