𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝟳𝟬𝟬 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗘𝗡𝗘𝗥𝗢-𝗛𝗨𝗟𝗬𝗢

Nakapagtala na ng higit pitong daang kaso ng dengue ang Provincial Health Office ng Pangasinan mula Enero hanggang Hulyo.

Bagamat mababa ito kumpara noong nakaraang taon na mayroong 8,742 na kaso, pinag-iingat pa rin ang publiko lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Naitala rin ang limang nasawi sa sakit na mula sa Binmaley, Lingayen, Sual, at San Carlos City.

Sampung lugar sa probinsiya ang binabantayan ngayon dahil sa mataas na naitalang kaso ng sakit na kinabibilangan ng Lingayen, Bugallon, Mangatarem, Binmaley, Urbiztondo, Labrador, San Carlos City, Calasiao, Bayambang at Malasiqui.

Paalala ng awtoridad, ugaliin ang 4s upang mapangalagaan ang sarili laban sa kagat ng lamok:

• Suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok
• Sarili ay protektahan laban sa lamok
• Sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan
• Sumuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments