Binabantayan ngayon ng Center for Health Development-1 ang posibleng pagtaas ng kaso ng diarrhea sa rehiyon dahil sa nararanasang labis na init ng panahon.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang Spokesperson ng CHD-1, nawawalan o natutuyuan ang ilang water sources sa bahay tuwing mainit ang panahon at sumasabay pa ang El Niño kaya napipilitan ang ibang mamamayan na kumuha ng tubig sa hindi ligtas na source.
Sa talaan ng kanilang tanggapan, umabot na sa 3,351 kaso ng diarrhea ang naitala sa Ilocos Region mula Enero hanggang Pebrero ngayong taon. Sa Pangasinan, nakapagtala ng pinakamataas na bilang na aabot sa 1,478 kaso samantalang 113 kaso ng diarrhea sa Dagupan City.
Tugon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan ang regular na water sampling sa mga refilling stations.
Ayon sa health authorities, mainam na magpakonsulta agad kapag nakararanas ng diarrhea nang maiwasan ang dehydration. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨