Hindi na makakamit ng Department of Health Center for Health Development Ilocos Region (DOH-CHD1) ang pangarap nitong walang maitatalang kaso ng firecracker-related injuries sa rehiyon.
Ito ay matapos makapagtala ang ahensiya ng iba’t-ibang mga kaso ng mga napuputukan sa rehiyon.
Base sa inilabas na press release ng DOH-CHD1, pumalo na sa 25 na kaso ng mga firecracker-related injuries kung saan nangunguna sa listahan ang Pangasinan na may pinakamaraming kaso ng FWRI na nasa 20 ang kaso o 80% kung saan nanguna din dito Dagupan City na may pinakamataas na bilang na may 16 na kaso, sinundan ito ng La Union na mayroong 4 (6%) na kaso at Ilocos Sur na may 1 (4%) na kaso.
Sa mga naitatalang kaso, sinabi ni Assistant Regional Director Rodolfo M. Albornoz, karamihan sa mga biktima ng firecrackers ngayong taon ay pawang mga bata kaya’t nanawagan ito sa mga magulang na bantayang maigi ang kanilang mga anak.
Ayon sa pahayag ng DOH-CHD1 partikular ang Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU), ang bilang ay 79% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 14 na kaso lamang ng FWRI ang naitala.
Mahigpit na nanawagan ang ahensya sa mga LGU maging ng PNP para sa kanilang kooperasyon at para i-regulate at kontrolin ang pagbebenta at paggamit ng paputok, lalo na sa mga menor de edad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨