𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗩-𝗔𝗜𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗔𝗕𝗢𝗧 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗢𝗦 𝟮𝟬𝟬

Umabot na sa halos dalawang Daan ang bilang ng naitalang kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS) sa Dagupan City, ayon sa City Health Office.

Sa flag raising ceremony kahapon,Ibinahagi ni City Health Officer Dra. Ophelia Rivera, mula 1984 ang hanggang Kasalukuyang naitala ang naturang bilang ng mga tinatamaan ng sakit.

Kasunod ng pakikiisa ng lungsod sa World Aids Day sa bukas, hinihikayat nito na magpatest at huwag itong itago dahil kinakailangan ipagamot ang sarili.

Aniya, bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong magpa test at mayroong HIV Counselors na maaring umagapay para sa mga candidates for testing.

Binigyang diin din nito na hindi umano ‘pino -point out ang miyembro ng LGBT na sila ang pagdadala ng naturang sakit.

Paliwanag ni Rivera mataas kasi ang naitatalang kaso sa ‘men having sex with men’ kung kaya’t sila ang ineeducate at hinihikayat na magpatest.

Aniya, dati Rati ay mataas ang kaso ng sakit sa mga OFWs ngunit ngayon umano ay lumalabas sa datos ay marami ang kaso sa men having sex with men.

Samantala, isasagawa ang paggunita ng World Aids Day sa lungsod sa Dagupan City National High School. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments