𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗕𝗔 -𝗣𝗛𝗢

Bumaba ang bilang ng naitalang kaso ng leptospirosis sa Pangasinan ngayong taon, ayon sa Provincial Health Office.

Sa datos ng Provincial Health Office, nasa limang kumpirmadong kaso ng sakit ang naitala na mula sa bayan ng San Fabian, Bugallon, Basista, Umingan at Alaminos City.

Dalawa sa naitalang kaso ang pumanaw.

Mababa ang naturang bilang ngayong taon kumpara noong 2023 na mayroong sampung kaso mula Enero hanggang Hulyo.

Bagamat mababa, nagbabala ang PHO na maging maingat lalo sa mga bahaing lugar ngayong tag-ulan.

Ilan sa mga paraan upang maiwasan ang sakit ay ibinahagi ng ahensya:

1. Iwasan ang paghawak ng tubig o lupa at mga bagay na maaring kontaminado ng ihi ng hayop.
2.Ipinagbabawal ang paglangoy o paglalaro sa tubig baha
3. Huwag maglakad sa tubig baha kapag walang proteksyon sa paa.

Ang leptospirosis nagmumula sa bacteria na kumakalat sa ihi ng mga apektadong hayop tulad ng daga, baka at aso. Mataas ang tsansa na makuha ito sa tubig baha tuwing panahon ng tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments