Nakapagtala ng 64 na kaso ng mga hayop sa Pangasinan ang kumpirmadong may rabies ayon sa Regulatory Division ng Department of Agriculture – Regional Field Office 1 (DA-RFO1).
Sa datos ng tanggapan, pinakamarami rito ang mga hayop mula sa San Carlos City na nasa 25 na kaso. Nasa 8 kaso naman ang naitala sa bayan ng Calasiao, nasa 5 na kaso naman sa Alaminos City at Dagupan City, 4 na kaso sa Manaoag at Mangatarem, 3 kaso sa Lingayen, Sta. Barbara, at Urbiztondo, 2 kaso sa Anda, Basista, at Binalonan, at isa naman sa Balungao, Infanta, Mangaldan, Tayug, Bani, Villasis, Rosales, Bolinao, Urdaneta City, Binmaley, at San Manuel.
Ang rabies ay isang nakamamatay na sakit ng hayop na dulot ng isang virus. Maaari itong mangyari sa mga ligaw na hayop tulad ng aso, pusa at mga hayop sa bukid. Ang lalawigan ang may pinakamaraming naiulat na kaso sa buong Rehiyon uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨