Mas tinututukan ngayon ang naitatalang kaso ng panggagahasa sa bayan ng San Nicolas. Bilang pagtugon sa mga naitatalang insidente ng mga pang-aabuso, isinusulong ngayon ang pagpapaigting pagdating sa kamalayan sa Gender-Based Violence partikular sa mga kabataan sa bayan.
Pinayuhan ang mga kabataan na sakaling makaranas ng anumang uri ng karahasan ay agad na ipagbigay-alam sa himpilan ng pulisya at Public Attorney’s Office sa agarang hakbang ukol dito.
Ayon sa lokal na pamahalaan, kinakailangan ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa karapatan at proteksyon ng isang indibidwal anuman ang kasarian at estado, upang mapanatili ang kaligtasan at malaya sa kaso ng karahasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments