Mas pinaigting pa ngayon ng Pangasinan Provincial Health Office ang pagbabantay sa kabuuang pangkalusugan ng lalawigan partikular na ang kailan lamang nakumpirmang kasong pertussis sa probinsya.
Matatandaan na nakapagtala ang PHO ng tatlong kaso ng sakit na mula sa mga bayan ng San Nicolas, Sto. Tomas at Urdaneta City.
Karaniwang natatamaan ang mga batang may isang taong gulang at pababa, lalo na kung hindi pa ito bakunado.
Hinimok ang publiko na tumalima sa mga minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagsasanitize upang mabawasan ang tsansa ng pagkahawa sa naturang sakit.
Samantala, pagtugon din ng DOH ang pagpapabilis ng pagdating ng biniling 5n1 vaccine na siyang higit makatutulong para malabanan ang sakit na Pertussis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨