CAUAYAN CITY- Base sa monitoring na isinagawa ng Department of Health Region 02 ay may pagtaas sa bilang ng kasong naitala sa “summer related diseases” sa rehiyon dos.
Ayon kay Medical Office IV Communicable Disease Cluster head ng DOH Region II Dr. Janet Ibay, mula buwan ng Enero hanggang Marso ay tumaas sa pitong porsyento ang nasabing sakit kumpara noong nakaraang taon.
Dagdag pa niya, ang lalawigan ng Isabela at Quirino ang nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng “food and waterborne diseases” kung saan nakukuha ito sa mga pagkain na napapanis lalu na ngayong mainit na panahon.
Bukod dito, binabantayan rin ng DOH ang kaso ng mga namamatay dahil sa rabies kung saan siyam na ang naitalang kaso nito ngayong taon.
Samantala, wala pa namang naitatalang kaso ng heat stroke sa rehiyon simula ng maranasan ang tag-init.