Kabilang ang measles o tigdas sa mga higit tinututukan ngayon ng World Health Organization kasabay ng tumaas na kaso ng pertussis sa bansa.
Alinsunod dito, ibat-ibang lokal na pamahalaan sa bansa ang nagsasagawa ng Measles Immunization upang malabanan ang pagdami ng naturang sakit sa mga bata.
Sa Region 1, tumaas ng 25% ang kaso ng suspected measles, mas mataas ito kumpara noong taong 2023. Sa pinakahuling tala, nasa tatlumpu’t-isa (31) ang naitalang suspected measles cases ng CHD sa Ilocos Region kung saan labintatlo (13) rito ay sa Pangasinan, siyam (9) naman sa La Union, lima (5) sa Ilocos Norte at apat (4) sa Ilocos Sur.
Binigyang-diin din ng Department of Health ang kahalagahan ng pagpapabakuna kontra Measles, Rubella at Polio.
Samantala, kasabay nito ang pagkakatala ng kaso ng Pertussis sa bansa na nasa higit walong daan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨