π—žπ—”π—¨π—‘π—”-π—¨π—‘π—”π—›π—”π—‘π—š π—’π—©π—˜π—₯π—¦π—˜π—”π—¦ π—™π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—’ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯𝗦 π—”π—–π—”π——π—˜π— π—¬ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—œπ—šπ—”π—‘ π—‘π—š π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π—œπ—£π—”π—§π—”π—¬π—’

Plano ngayon ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na makapagpatayo ng kauna-unahang Overseas Filipino Workers Academy sa probinsiya.

Ang nasabing pagpapatayo sa akademyang ito ay inihayag ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino sa ginanap Pangasinan Migration and Development Council Year End Assessment meeting sa PESO Building Capitok Complex. Sa taong 2024 na planong ipatayo ang nasabing proyekto.

Ayon sa opisyal, nagkaroon ng pag-uusap si Pangasinan Governor Ramon Guico III at si OWWA Administrator Arnel Ignacio na planong magpatayo ng nasabing proyekto sa probinsiya kung saan makakatuwang sa pagpoproseso dito ang OWWA at LGU Pangasinan. Para sa mga oportunidad na bubuksan para sa mga Pangasinenseng magnanais magtrabaho sa ibang bansa.

Layunin ng proyekto ito upang bigyan ng proteksyon at maihanda ang mga manggagawang Pangasinenseng magnanais magtrabaho sa ibang bansa at upang ihanda ang mga ito na maaaring magbukas na oportunidad sa mga bansa sa Asia maging sa Korean Peninsula. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments