𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗜𝗧𝗜𝗣𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭,𝟳𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗’𝗦 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥 𝗗𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Sa kauna-unahang pagkakataon nagtipon-tipon ang 1,774 na Educators sa bayan ng Bayambang bilang selebrasyon sa World’s Teachers Day.

Layunin nito na bigyan ng pagkilala ang mga educators sa malaking kontribusyon sa larangan ng edukasyon.

Sa nasabing pagtitipon isinagawa ang In-Sevice training kung saan nagkaroon din ng pagkakataong makapagsaya ang mga guro at manalo sa mga inihandang raffle promos para sa kanila.

Ngayong taon, ang tema para sa World Teachers’ Day ay Valuing Teachers’ Voices: Towards a New Social Contract for Education. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments