Bubuksan at magiging operational na ang kauna-unahang government-owned na school institution sa darating na February 14.
Ang Pangasinan Polytechnic College o PPC ay pagmamay-ari ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na may layong maitaguyod ang sektor ng edukasyon sa lalawigan alinsunod sa adhikain ng kasalukuyang administrasyon.
Hatid sa mga kwalipikadong Kabataang Pangasinense ang libreng education at vocational courses maging pagiging benepisyaryo ng scholarship program.
Samantala, matatandaan na ito ay sa bisa ng inihain at naaprubahang Provincial Ordinance No. 300-2023 noong nakaraang taon at amyendahan nito lamang January 22, 2024 bilang Provincial Ordinance No. 314-2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments