CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng National Aeronautics and Space Administration o NASA ang kanilang kauna-unahang space exploration mission sa Moon Europa upang tukuyin kung may angkop itong kondisyon para masuportahan ang buhay ng mga tao.
Sa press release na inilabas ng NASA’s Jet Propulsion Laboratory, tinatayang nasa $5.2 billion ang in-invest ng ahensya para sa nasabing misyon kung saan sinimulan ito noong 2015.
Ayon pa sa ahensya, nakatakda itong ilunsad sa NASA’s Kennedy Space Center sa Florida sa ika-10 ng Oktubre gamit ang NASA’s Europa Clipper spacecraft at dadalhin ito ng SpaceX’s Falcon Heavy rocket sa orbit.
Magtatagal ng 5 and a half years ang paglalakbay ng spacecraft at inaasahang sa taong 2030 ay lalapag ito sa planetang Jupiter.
Ang Europa ay isa sa mga Jupiter’s 95 moons at ika-anim na pinakamalapit na buwan sa ating planeta kung saan pinaniniwalaang ito ay may saltwater ocean – doble pa kumpara sa karagatan ng ating mundo – sa ilalim ng icy crust nito.