𝗞𝗔𝗨𝗡𝗔-𝗨𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝟰𝗣𝘀 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Naganap ang kauna-unahang 4Ps Convention sa Ilocos Region sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Field Office 1 – Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Division sa Rehiyon Uno.

Ang naturang aktibidad ay sumentro sa pagtalakay ng mga programa ng ahensya partikular sa 4Ps, at iba pang pamamaraan sa kaugnay na mga social welfare at social services.

Tinalakay din ang mga nakikitang problema sa mga programa ng ahensya tulad ng Sustainable Livelihood Program, AICS, Adoption and Alternative Childhood Care at kung anong mga solusyon ang maaaring irekomenda para rito.

Dinaluhan ang naturang kumbensyon ng pitumpo’t-dalawang (72) LSWDOs at limampu’t-apat (54) pang mga representatives mula sa kani-kanilang lokal na tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments