𝗞𝗔𝗨𝗡𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗟𝗨𝗡𝗚𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡; 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗔𝗦

Nararanasan ngayon sa ilang pamilihan dito sa lalawigan ng Pangasinan ang kaunting suplay ng isdang galunggong.

Sa naging panayam ng IFM News sa ilang mga nagbebenta ng galunggong sa Dagupan City at bayan ng Calasiao, dahil sa nararanasang malamig na panahon ay kaunti lang ang kanilang ibinebentang mga galunggong.

Paliwanag ng fishery expert na dahil konti lang ang mga galunggong ngayon ay dahil hindi nito panahon.

Dagdag pa ng eksperto na manunumbalik lamang ang dami ng isdang ito kapag sumapit na ang buwan ng Marso hanggang Abril dahil ang mga panahong ito ang kadalasang lumalabas o dumarami ang galunggong.

Samantala, base sa inilabas ng DA-Ilocos Region na farm gate price ng galunggong sa Pangasinan nitong ika-22–26 ng Enero ngayong taon ay nasa ₱200 kada kilo kung saan bahagyang tumaas ang ang presyuhan nito sa mga pamilihan na nasa ₱200-₱230 ang kada kilo nito ngayon dahil sa kaunting suplay nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments