𝗞𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗜 𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪

Nasa labindalawang oras na kawalan ng kuryente ang inaasahang muling mararanasan ng ilang bayan sa Pangasinan bukas, June 3, 2024.

Maapektuhan partikular ang mga bayan na nasa binibigyang serbisyo ng Pangasinan 1 Electric Cooperatives o PANELCO 1 kung saan ilan sa mga tinukoy na maaapektuhan ay buong bayan ng Dasol, buong bayan ng Infanta, Barangay Barlo, Mabini, ar buong bayan ng Burgos maliban sa Cacayasen.

Alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi ng June 3, 2024 inaasahang mararanasan ang kawalan ng kuryente.

Dulot ito ng mga aktibidad na kinakailangang isagawa sa ilang pangunahing linya.

Samantala, sa parehong oras ay mararanasan pa rin ang kawalan ng kuryente ng ilan pa sa mga bayan na idineklara ng naturang electric corporation sa mga araw ng June 4, 5, 6, 7, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments