π—žπ—œπ—–π—ž 𝗒𝗙𝗙 π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—§π—˜π—”π—–π—›π—˜π—₯𝗦 𝗠𝗒𝗑𝗧𝗛, π—œπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘

Tinatayang nasa higit limang libong guro mula sa Ilocos Region ang lalahok sa Regional Kick Off Ceremony ng National Teachers’ Month (NTM) na gaganapin ngayong araw, September 5, 2024 sa Candon City Arena.

Inaaasahang dadalo si bagong talagang DepEd Secretary Sonny Angara upang pangunahan ang naturang pagdiriwang. Kasabay ng selebrasyon ay nakatakda ring isagawa ang ilang mga aktibidad tulad ng mangrove tree planting sa Parola Lighthouse ng Candon City at gaganapin din ang Teachers’ Fair tampok ang mga lokal na produkto mula sa mga bayan sa probinisya ng Ilocos Sur.

Magsasagawa naman ng Division Kick Off Ceremony ang bawat Schools Division Office sa Region 1 sa itinakdang schedule ng mga ito kasabay ang iba’t-ibang programang handog sa mga kaguruan sa rehiyon.

Samantala, magtatagal ang selebrasyon ng hanggang October 5, 2024 na siyang kikilala sa mga kontribusyon, at magbibigay parangal sa mga educators ng bansa. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments