𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗦𝗔 𝗚𝗢𝗕𝗬𝗘𝗥𝗡𝗢, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡

CAUAYAN CITY – Suspendido parin ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan pati na rin ang government offices ngayong araw October 25, 2024.

Ito ay kaugnay ng isasagawang malawakang clearing operations na idinulot ng Bagyong Kristine.

Binigyang-diin din ang mga pribadong opisina at establisyimento na maaaring magpasya kung sila’y makikilahok o hindi, ngunit mariing hinihikayat ang kanilang pakikibahagi sa clearing operations upang mapabilis ang pagsasaayos ng mga apektadong lugar.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng mga pag-iingat at paghahanda ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa harap ng bagyo.

Facebook Comments