𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗜𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗡𝗧𝗘𝗡𝗚

Suspendido ang klase sa Pangasinan ngayong araw dahil sa epekto ng Bagyong Enteng na pinalakas ng Habagat sa probinsiya.

Sa inilabas na Executive Order No. 0094 Series of 2024 na nilagdaan ni Governor Ramon V. Guico III, walang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa Pangasinan.

Ginawa umano ang kautusan matapos isailalim ang Eastern Portion ng Pangasinan sa Signal No. 1 at pagsisiguro sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa maaring pagbaha at pagguho ng lupa na makakaapekto sa seguridad ng mga mag-aaral.

Napasakamay naman sa mga Local Chief Executives ang pagsusupinde sa pasok ng pampublikong opisina at sa Company Management para sa pribadong kompanya. Inatasan din ng Gobernador ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils na magsagawa ng pre-emptive evacuation kung kinakailangan.

Samantala sa lungsod ng Dagupan kanselado rin ang klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan maging ang pasok sa gobyerno dahil sa patuloy na pag-uulan na naranasan.

Ngayong araw, inaasahan na uulanin pa rin ang malaking bahagi ng probinsiya kung saan mahigpit ang ipinapatupad na monitoring sa mga low lying barangays.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments