Magiging salik sa pagdedesisyon kung ipapatuloy ng otoridad sa pagpapasada ang mga consolidated na PUV units partikular ang mga traditional Public Utility Jeepneys o PUJs sa susunod na taon.
Matatandaan na sa darating na Dec. 31 na ang itinakdang deadline para sa PUV unit Consolidation o ang pagpapabilang ng mga operators sa mga umiiral na kooperatiba at ayon pa sa otoridad ay hindi na ito muling palalawigin pa.
Bagamat ilang mga transport groups sa bansa ang patuloy din sa pagpapahayag ng kanilang hinaing o di pagsang-ayon sa modernization program at isa sa mga pinakabagong hiling ng mga ito ay ang extension sa consolidation.
Kung consolidated man, lalo para sa mga traditional PUJS O ito ang mga pampublikong sasakyan na hindi upgraded o modernized, isasaalang-alang pa rin ang kondisyon ng mga minamanehong jeepneys kung pasok ba sa “road worthiness” alinsunod sa pangunahing adhikain ng PUVB Modernization program na magsulong ng mas malinis at ligtas na kakalsadahan.
Sa lalawigan ng Pangasinan, tinitiyak ng mga traditional PUJ operators na maayos at nasa mabuting kondisyon ang minamanehong PUVs upang makapagpatuloy pa rind aw ang mga ito sa pamamasada sa mga susunod na taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments