𝗞𝗢𝗡𝗗𝗨𝗞𝗧𝗢𝗥, 𝗗𝗘𝗔𝗗 𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗦𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗦 𝗔𝗧 𝗧𝗥𝗔𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡

Dead on the spot ang isang konduktor matapos bumangga ang sinasakyan niyang bus sa isang truck sa Bangar, La Union.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Barangay Rising ng madaling araw ng Miyerkules.

Pareho umanong tinatahak ng dalawang sasakyan ang parehas na direksyon nang banggain sila ng pampasaherong bus.

Depensa ng driver ng bus, hindi nito napansin ang dahan dahang patakbo ng trak kaya hindi ito agad nakapagpreno.

Isang pasahero ng bus ang sugatan na agad namang naitakbo sa pagamutan. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments