𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔

Binuksan na sa publiko ang 1.2 kms newly-elevated barangay road na madalas bahain sa Barangay Goliman Malasiqui, Pangasinan matapos ang konstruksyon nito.

Madalas umanong nababaha ang naturang barangay road kahit pa kaunting ulan lang ang nararanasan noon.

Madalas din itong inirereklamo ng mga residente at motorista noon dahil bato ang ginamit na pantabon at may banta ng kapahamakan sa publiko.

Ang naturang barangay road ay nagsisilbing shortcut ng mga motorista patungong Malasiqui Town Proper at nagdudugtong sa mga barangay ng Goliman, Tomling at Pacuan.

Naisaayos din ang ang water flow system nito matapos lagyan ng kaukulang tubo upang hindi magdulot ng pagbaha. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments