𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗨𝗔𝗡𝗚-𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢-𝗦𝗔𝗡 𝗝𝗨𝗔𝗡 𝗕𝗬𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗥𝗢𝗔𝗗, 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Ininspeksyon ng Department of Public Works and Highways ang nagpapatuloy na konstruksyon ng Bauang-San Fernando-San Juan Bypass Road upang tiyakin na matatapos ito sa itinakdang araw.

Inaasahang magiging operational sa taong 2025 ang bypass four-lane road na may habang 22.19 kilometers mula Brgy. Payocpoc, Bauang hanggang Brgy. Taboc, San Juan.

Sa pamamagitan nito, mapapaikli ang travel time sa tatlong bayan ng isa’t kalahating oras.

Siniguro ng tanggapan ang kalidad ng konstruksyon ng naturang kalsada para sa mga motorista. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments