Nakatakda nang simulan ang konstruksyon ng Mapandan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Command Center matapos ang isinagawang Groundbreaking Ceremony nito ngayong buwan.
Ang makabagong command center ay maglalaman ng communication technology para sa mabilis na ugnayan at napapanahong weather forecast tuwing may sakuna.
Kasabay nito ang pagpapatayo ng airconditioned waiting shed na laan para sa kalagayan ng mga senior citizens, PWDs at pregnant women sa bayan.
Layunin ng mga establisyimento na maiangat ang pamumuhay ng mga residente at mapabilis ang serbisyo publiko tuwing may sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments