Magsisimula na ang pagsasaayos ng kalsada sa bahagi ng Brgy. Quibaol, Lingayen sa darating na ika-10 ng Setyembre.
Ito ay matapos ang reklamo ng ila
ng residente at motorista dahil sa naglalakihang butas sa kalsada na di umanoy takaw aksidente.
Madalas itong nagsisilbing alternate route ng mga motorista papuntang Bugallon, Aguilar at Mangatarem.
Ilang bus at naglalakihang truck ang dumaraan sa naturang kalsada kahit pa ito ay makipot.
Dahil sa konstruksyon, pansamantalang isasara sa lahat ng sasakyan ang Urbiztondo-Lingayen Road at maaring dumaan sa Brgy. Baay Singit ang mga motorista patungong Binmaley at Dagupan.
Ipinagbabawal din na pumasok ang mga sasakyan mula sa sentro ng bayan ng Lingayen at pinapayuhang dumaan sa alternate route sa Pantal-Namolan diversion road na isasailalim din sa One way traffic.
Hinihikayat ng awtoridad ang publiko na makiisa sa traffic rerouting plan upang mapanatiling maayos ang daloy ng sasakyan habang nagpapatuloy ang konstruksyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨