𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗖𝗔𝗕 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

CAUAYAN CITY- Isang biyaya kung ituring ng mga residente ng riverside ang konstruksyon ng tulay sa bahagi ng Brgy. Gucab, Echague, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ernesto Ibarra, Punong Barangay ng Dammang East, malaking tulong sa kanila ang nasabing tulay dahil mapapabilis nito ang transportasyon ng mga residente lalo na sa pagbyahe ng mga kalakal ng mga local farmers.

Aniya, bukod sa mga residente ng Echague ay makikinabang rin sa proyekto ang mga residente ng Jones, Isabela.


Dagdag pa niya, sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangan pang umikot ng mga residente sa bayan ng Jones upang makarating lamang sa Centro.

Samantala, malaking pasasalamat ni Kapitan Ibarra sa Lokal na Pamahalaan ng Echague sa proyektong ito dahil mapapabilis at mapapagaan ang kanilang pamumuhay.

Facebook Comments