π—žπ—’π—‘π—¦π—§π—₯π—¨π—žπ—¦π—¬π—’π—‘ π—‘π—š π—žπ—”π—₯π—”π—šπ——π—”π—šπ—”π—‘π—š 𝗙𝗔π—₯𝗠-𝗧𝗒-𝗠𝗔π—₯π—žπ—˜π—§ π—₯𝗒𝗔𝗗 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, π—›π—œπ—‘π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š

Inilapit ni Mangaldan Mayor Bona Fe De Vera Parayno ang konstruksyon ng karagdagang Farm-to-Market Road sa bayan sa national government.

Hiniling ng alkalde ang nasa higit limampung milyong pisong halaga ng pagsasakatuparan ng mga farm to market road projects.

Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng pagkakaroon nang maayos na kakalsadahan sa pagbyahe ng kanilang mga inaning produkto.

Kung sakaling maisakatuparan, inaasahang magsisilbi rin itong access roads sa mga barangay papunta sa town proper.

Samantala, ilan sa inaasahang maisasaayos ay ang mga farm-to-market roads sa Barangay Amansabina, Macayug, Malabago at Pogo. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments