𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠.𝗛. 𝗗𝗘𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗔𝗧 𝗣𝗘𝗥𝗘𝗭 𝗕𝗢𝗨𝗟𝗘𝗩𝗔𝗥𝗗, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗜𝗡𝗦𝗣𝗘𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡

Muling ininspeksyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan City ang ilang kakalsadahang nasa ilalim pa ng road elevation tulad sa bahagi ng M.H. Del Pilar St. at Perez Boulevard.

Patuloy umano ang monitoring ng LGU sa mga isinasagawang kakalsadahan sa lungsod para masigurong ang proyekto ng DPWH ay tuloy tuloy.

Patuloy na nais ng LGU na mapabilis na ang pagtatapos sa mga naturang konstruksyon ng mga kakalsadahan sa lungsod nang sa gayon ay magamit na ng mga motorista at maiwasan ang heavy traffic lalo tuwing rush hour.

Nagbigay naman ng kasiguraduhan noong una pa lang ang hanay ng DPWH na tatapusin nila ng maayos at sa lalong madaling panahon ang mga naturang kalsada upang di na maabutan ng wet season o tag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments