𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗡𝗗 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗠.𝗛. 𝗗𝗘𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗧. 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬; 𝗠𝗔𝗕𝗜𝗚𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗣𝗜𝗞𝗢, 𝗡𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡

Patuloy pa rin ang konstruksyon ng road and drainage elevation sa bahagi ng M. H. Del Pilar St. sa Dagupan City.

Bagamat malaking porsyon na ng kalsada ang natapos hindi pa rin magawang buksan ang dalawang lane para sa mga sasakyan..

Dahil dito, patuloy ang nararanasang mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng PNR road na pansamantalang dinaraanan ng mga pumapasadang jeep at motorista hanggang sa matapos ang konstruksyon.

Tiniyak naman ng Public Order and Safety Office ang traffic assistance sa lugar upang maiwasan ang anumang aksidente.

Umaasa naman ang ilang komyuter na mabilis na matatapos ang konstruksyon.

Samantala, ilan pang proyekto tulad ng drainage systems ang nakatakda pang tapusin ng Department of Public Works and Highways sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments