Binuksan na sa publiko ang Bailey Bridge sa Brgy. Burgos, Natividad matapos ang konstruksyon nito ngayong taon.
Mula sa dating hanging bridge na gawa sa bakal, sementado na ang bagong gawang tulay at maaari ng daanan ng sasakyan patungo sa ibang karatig barangay.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang konstruksyon ng tulay na magpapagaan umano ng byahe at bawas sa pangamba ng mga ito sa malakas na agos ng ilog tuwing may sakuna.
Nagsimula ang konstruksyon noong buwan ng Marsl ngayong taon at Nagtapos nito lamang buwan ng Agosto.
Ito ngayon ay tinagurian Lipad Natividad Bridge.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments