Kinikilala ngayon ang kontribusyon ng bawat katutubo kasunod ng pagdiriwang ng International Day of the World’s Indigenous at National Indigenous Peoples Day.
Ang pagkilala ng Konstitusyon ng Pilipinas ay upang isulong ang estado, proteksyon at pagtataguyod ng kanilang karapatan at kapakanan bilang mga katutubo.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 1 , Sa buong Region I, nasa nasa 38, 656 na mga katutubo ang natukoy na mahihirap, katumbas nito ang 6, 093 na sambahayan.
Ang DSWD FO1, ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa mga ito upang maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay.
Sa ilalim naman ng Republic Act 8371 o ang Indigenous Peoples Right Act, nakasaad dito ang pagkilala sa karapatan ng mga katutubo upang maging malaya ang mga ito na pagyamanin ang kanilang kinaroroonang nasasakupan.
Patuloy na isinusulong ang kanilang kontribusyon partikular sa pagtataguyod ng mayamang pamana at kultura ng bansa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨