𝗞𝗢𝗡𝗧𝗥𝗜𝗕𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔 𝟭 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗧𝗛𝗘𝗢𝗥𝗘𝗧𝗜𝗖𝗔𝗟 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗨𝗥𝗦𝗘 𝗧𝗔𝗞𝗘𝗥𝗦, 𝗜𝗡𝗔𝗔𝗦𝗔𝗛𝗔𝗡

Puspusan ang Land Transportation Office Region 1 sa pagkalap ng numero para sa Theoretical Driving Course o TDC. Ito ay matapos magbaba ng marching order si LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na target nilang makapag produce ng 1 million takers ng TDC bago matapos ang taon.

Sa pangunguna ni LTO Region 1 Director Glorioso Danny Martinez, nakipag-ugnayan ang ahensiya sa mga local government units at eskwelahan para sa nasabing programa. Una ng nakinabang dito ang bayan ng Mangaldan na isa sa may most populated high school institution sa rehiyon. Paglilinaw naman din ng ahensiya na maaaring mag-request ang mga eskwelahan at paaralang nais itong ma-avail hanggat may sapat na numero ng gustong mag-undergo dito.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang nasabing programa ng LTO na naglalayong makapagbigay ng serbisyo publiko sa mga gustong kumuha ng libreng TDC. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments