𝗞𝗢𝗧𝗦𝗘 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗟𝗣𝗨𝗞𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Nahulog ang isang kotse sa Malanay Bridge Sta. Barbara Pangasinan matapos salpukin ng truck.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nawalan ng kontrol ang driver ng truck kung kayat sumalpok ito sa kotse.

Dahil dito, tumilapon ang kotse at nahulog sa tulay.

Sugatan ang driver ng kotse maging ang kaniyang buntis na live in partner. Ang driver ng truck at dalawang sakay nito ay isinugod din sa pagamutan matapos magtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.|𝗶𝗳𝗺𝗻𝗲𝘄𝘀

Facebook Comments