Monday, January 19, 2026

𝗞𝗢𝗧𝗦𝗘 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗟𝗙 𝗔𝗠𝗘𝗥𝗜𝗖𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗛𝗔𝗟𝗙 𝗖𝗔𝗡𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡, 𝗔𝗚𝗔𝗪 𝗔𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗧𝗥𝗢𝗜𝗧

Cauayan City – Agaw atensyon ngayon sa mga kalsada ng Detroit ang isang kakaibang sasakyan na binuo mula sa dalawang magkaibang harapang bahagi ng kotse.

Ang sasakyang tinawag na “Bak2Bak” ay likha ni Zach Sutton, isang mechanical engineer mula sa Detroit.

Ang Bak2Bak ay mula sa harapan ng dalawang lumang Chrysler vehicles, kung saan ang isa ay gawa sa Canada at ang isa naman ay mula sa Estados Unidos.

Ayon kay Sutton, hindi niya agad alam ang pinagmulan ng mga piyesa nang mabili niya ang mga ito, ngunit kalaunan ay napagtanto niyang ang kombinasyon ay tila natural at angkop.

Ipinahayag ni Sutton na ang Estados Unidos at Canada ay magkalapit na bansa at maituturing na magkapatid, kaya ang pinagsamang disenyo ng sasakyan ay may kahulugan.

Dahil sa kakaibang anyo nito, agad na napapalingon ang mga motorista at pedestrian tuwing dumaraan ito sa lansangan.

Dagdag pa ni Sutton, ang proyekto ay hindi nilikha para maging seryoso kundi para magbigay-aliw at saya sa publiko.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments