Hinikayat ni Pangasinan 4th District Congressman Toff De Venecia ang mga kabataan sa lalawigan na makiisa sa pagpapalakas ng Kultura ng Kape.
Sa isinagawang 3rd Annual Coffee Competition sa lungsod ng Dagupan, kung saan nagpaligsahan ang mga coffee artists sa probinsiya, sinabi ng mambabatas na ito ay Daan upang maipamalas ang pagiging malikhain at maipakita ang mayamang Kultura ng Pangasinan.
Aniya, ang mga estudyante na graduate ng technical at vocational courses ay maaring makapag-apply sa mga coffee shop na nangangailangan ng mga malikhaing kaisipan maging makapagpatayo ng kanilang sariling coffee shop o di kaya ay magkaroon ng sariling coffee brand.
Binigyang diin nito na maraming oportunidad sa industriya ng Kape lalo na at parami nang parami ang nagsusulputang coffee shop sa 4th district na nasa higit isang Daan.
Kabilang ang mga coffee artists at coffeepreneurs sa pitong milyong creatives sa buong bansa na natutulungan ng Philippine Creative Industries Development Act o (PCIDA) o RA 11904 na ipinatupad ng Department of Trade and Industry o DTI. Mga kabataan sa Pangasinan, hinikayat na makiisa sa pagpapalakas ng Coffee Industry Hinikayat ni Pangasinan 4th District Congressman Toff De Venecia ang mga kabataan sa lalawigan na makiisa sa pagpapalakas ng Kultura ng Kape.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨