𝗞𝗪𝗔𝗥𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗔𝗠𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang Isang kwarenta anyos na lalaki matapos ang ikinasang buy bust operation laban dito sa Dagupan City.

Ang suspek na itinago sa pangalang Aldong ay residente din ng Dagupan City.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas onse ng Gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng apat na sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng limang gramo at nagkakahalaga ng mahigit tatlumpung libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments