Ipinatupad kahapon sa Dagupan City ang “labelling system” sa produkto nitong bangus sa Magsaysay Fish Market.
Layunin ng sistema na maprotektahan ang industriya ng bangus at makita agad ng mga mamimili ang Certified Dagupan Bangus na tanyag sa buong mundo dahil sa lasa nito.
Nanguna ang kawani ng lokal na pamahalaan kasama na ang Department of Trade Industry (DTI) Pangasinan na naglagay ng label sa mga inilalakong bangus sa lungsod.
Ang ilang bangus na inilalako sa Magsaysay Fish Market ay mula sa Binmaley, Anda at Sual na nilagyan din ng label.
Ikinatuwa naman ng alkalde ang kooperasyon ng mga consignacion wholesalers sa lungsod. Nagpasalamat din ang alkalde sa kooperasyon ng mga consignacion wholesalers sa naturang programa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments