Nasa labingwalong (18) depektibong mga timbangan ang nakumpiska sa public market ng Umingan sa isinagawang surprise inspection ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan.
Nasa 165 na mga pwesto ang binisita ng Treasurer’s Office ng bayan at DTI Pangasinan Consumer Protection Division sa nasabing palengke. Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal at may karampatang parusa ang sino man na mandadaya ng timbangan para sa mga ibinebentang produkto.
Balak ngayon ng tanggapan at ng lokal na pamahalaan ng Umingan na magsagawa ng Operation Timbangan upang tiyakin ang pagtalima ng mga business establishments at maprotektahan ang karapatan ng mga konsyumer laban sa mga maling gawain. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments