𝗟𝗔𝗕𝗜𝗡𝗚-𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗥𝗔𝗥𝗔𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔

Ilang mga barangay sa bayan ng Calasiao ang nakararanas na ng pagbaha bunsod ng patuloy na nararanasang pag-uulan sa lalawigan.

Sa pagtaas pa ng lebel ng tubig sa Marusay River na umabot na sa critical level, labing-apat na mga barangay sa bayan ang apektado nito.

Ito ay ang mga bahagi sa Sitio Pogo, Nalsian; Sitio Boquig, Lumban; Poblacion East, Talibaew, Lasip, Sitio Pandayan, Gabon; Sitio Talitnong, Ambonao; Sitio Bacol at Riles, Malabago; Sitio Kasintak, Longos; Banaoang, Buenlag, Sitio Camanggaan at Sitio Cabuuan, Doyong; Sitio Pugaro at Habagat road, Mancup; at Quesban.

Wala pang naitatalang evacuees sa bayan ng Calasiao sa kabila ng mataas na lebel ng tubig.

Nakaantabay ang Calasiao MDRRMO sa mga posibleng pagresponde mula sa mga apektadong residente kung kinakailangang magsagawa na ng pre-emptive evacuation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments