Tiniyak Provincial Health Office ng Pangasinan na handa ang labing-apat na na handa ang labing apat na government run hospital nito sa pagtugon sa mga pasyenteng may sakit na dengue.
Ayon kay Medical Officer III Dra. Raquel S. Ogoy ng Pangasinan Provincial Hospital Management Services Office, libre ang konsultasyon sakaling makaranas ng sintomas ng dengue.
Handa umano ang mga personnel ng mga hospital upang tugunan ang mga indibidwal na nakakaranas ng sakit.
Binabantayan din ngayon ng PHO ang mga bayan na nakapagtala ng mataas na kaso ng dengue.
Una na rito, inatasan ang mga bayan na mataas ang kaso ng dengue na magsagawa ng sabayang paglilinis upang mapuksa ang pinamamahayan ng lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
Matatandaan na nasa pitong daan at labing-anim (716) dengue cases ang naitalang ng PHO mula Enero hanggang Hulyo ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨