Isinasagawa ngayon ang labing-isang magkakasabay na flood mitigation projects sa lungsod ng Dagupan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, sa ilalim ng ipinasang budget ng lungsod, na may kabuuang 4 Million pesos sa ilalim ng 20% Development fund, naisakatuparan ang pagpapatuloy sa mga konstruksyon sa iba’t-ibang bahagi ng siyudad.
Ilan na lamang sa mga proyektong ito ang isinasagawang road elevation at pavement and drainage system upgrade sa downtown business district ng Dagupan City.
Dagdag pa sa mga proyekto ang mga isinasagawa sa mga barangay ng Malued, Pogo Chico, Bacayao Norte, Lasip Grande, Tambac, at Pantal.
Samantala, ang mga proyektong ito ay naglalayong maging inklusibo, ligtas, matatag at nananatili ang lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments