𝗟𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗡𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗞𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗥𝗜𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗨𝗪𝗜 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY – Sinalubong ng kawani ng Overseas Workers Welfare Administration Region 02 ang mga labi ng isang marino na nasawi dahil sa sakit na malaria.

Sa ngayon ay nakalagak na ang katawan ni Mark Edd sa kanilang tahanan sa Jones, Isabela.

Ayon sa ulat ng ahensya, nang kanilang matanggap ang impormasyon na pumanaw na si Edd dahil sa nabanggit na sakit ay kaagad silang nakipag-ugnayan sa mga kinauukulan upang mapabilis ang pag-uwi ng mga labi nito.


Bukod dito ay nagpaabot din ng naaayon na tulong sa mga naulilang pamilya ang OWWA region 02.

Facebook Comments