𝗟𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗨𝗗𝗜 𝗔𝗥𝗔𝗕𝗜𝗔, 𝗦𝗜𝗡𝗨𝗡𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗥𝟬𝟮

CAUAYAN CITY – Sinundo ng kawani mula sa Overseas Workers Welfare Administration Region 02 ang mga labi ng isang OFW mula sa lungsod ng Ilagan na nasawi sa Saudi Arabia, kamakailan.

Dumating sa Tuguegarao City Domestic Airport kahapon Enero-3 taong kasalukuyan, ang mga labi ng OFW na nag trabaho sa Saudi sa loob ng 11-taon.

Bilang tulong sa naulilang pamilya ng di na pinangalanang OFW, nag bigay ang OWWA ng education and livelihood assistance na nagkakahalaga ng P15,000, Death Benefit, at Burial Gratuity na P20,000.


Buong puso naman na nag paabot ng pakikiramay ang ahensya sa naulilang pamilya ng biktima.

Facebook Comments