𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥, 𝗧𝗨𝗧𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗕𝗔𝗪𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬

Hindi na kinakailangang pakialaman o bawasan pa ang mga umiiral na holiday sa bansa.

Ito ang tahasang inihayag ni Labor Leader Ka Leody De Guzman ukol sa suhestyon ni Senate President Chiz Escudero na bawasan ang holidays.

Sa panayam nito sa IFM Dagupan, hindi umano ito magandang pakinggan para sa mga kapwa niya manggagawa dahil ang holidays ay nagsisilbing pahinga at itinataguyod ang work and life balance ng mga laborers.

Dagdag pa nito, unahin ang pagpapataas sa sahod ang solusyunan lalo na at masyado nang malayo umano ang pagitan ng minimum wage sa presyo ng mga bilihin ngayon.

Panawagan nito sa mga manggagawa na patuloy na ipaglaban at huwag bitawan ang isyu ukol sa umento sa sahod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments