π—Ÿπ—”π—•π—₯𝗔𝗗𝗒π—₯ 𝗠𝗗π—₯π—₯𝗠𝗒, π—§π—œπ—‘π—œπ—¬π—”π—ž 𝗑𝗔 𝗛𝗔𝗑𝗗𝗔 π—œπ—§π—’ 𝗦𝗔 π—Ÿπ—œπ—‘π——π—’π—Ÿ

Tiniyak ng Labrador Local Disaster Risk Reduction Management Office na handa ang bayan sa anomang kalamidad Gaya ng lindol matapos itong yanigin ng Magnitude 4.5 na lindol noong araw ng Martes.

Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay LDRRMO Officer Reginaldo EscaΓ±o, patuloy ang koordinasyon ng kanilang tanggapan sa bawat gov’t agencies maging ang paghahanda sa mga mag-aaral sa disaster preparedness.

Inilahad din ng opisyal na ayon sa kanilang Rapid Earthquake Damage Assessment System, hindi maituturing na earthquake-prone ang bayan dahil kalmado ang paggalaw ng East Zambales Fault Line na sakop nito.

Malaki rin umano ang posibilidad na ang East Zambales Fault Line ang gumalaw dahilan ng lindol sa Labrador maging ang Magnitude 2.7 na lindol sa karatig bayan ng Sual sa parehong araw.

Kaugnay nito, wala naman umanong naitalang pinsala sa bayan dahil sa naranasang lindol. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments