Naranasan sa iba’t-ibang bahagi sa lalawigan ng Pangasinan ang lindol kahapon, November 26, 2024.
Ayon sa PhiVolcs, pasado 5:41 ng hapon, naitala ang 4.5 magnitude na lindol sa bayan ng Labrador habang ilan lugar sa lalawigan ang nakaramdam ng pagyanig.
Sa Intensity Meter, naranasan ang Intensity IV sa mga bayan ng Labrador, Sual, Alaminos City, Binmaley at Lingayen. Intensity III naman sa mga bayan ng Bugallon, Bani at Bolinao.
Naranasan din ang Intensity II sa Dagupan City at Infanta habang Intensity I sa ilang bahagi sa Lingayen.
Muling pinaalalahanan ang mga Pangasinense na maging alerto at handa sa oras ng anumang sakuna.
Wala namang inasahang aftershock matapos ang naganap na lindol. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments